Pero yung sa trike na 2029. Kung ibang araw 'to, natanong ko na sana na "Ano na kaya tayo sa taon na yun?" Katawa lang ngayon, ilang buwan pa lang ganito na tapos taon pa ang ibabanat?
Pinapaano mo lang pati tuloy ibang tao nadadamay na rin imbis na may distraction sya.
Kahapon mali yung sa kwento ng araw, kanina mali yung sa intay matapos meeting nila. Hindi ganun yung nadistansya Joel, kung lalayo ka lumayo ka.
Literal na nakakasuka rin pala yung grabe na isipan. Pumunta na lang tuloy ulit ako ng school kaninang umaga.
Isang araw na naman nasayang, ang saya lang?
Pero okay lang naman. At least ikaw, ganyan. At least may isa sa ating dalawa na umaayos lalo kapag ganito. Mas maraming nagagawa na kailangan.
Hindi ako yung kapag malungkot, may problema o isipin lalong nakakapagtrabaho dahil nadidistract yung sarili. Ako yung shutdown lahat.
Konektado siguro sa emotions ko lahat? Kapag "normal" days may ups and downs. Kapag masaya sobrang ayos ang lupit ng lahat. Pero kapag ganito..
Hindi lahat ganun. Hindi ako ganun. Baka kulang lang sa subok pero nitong mga huling araw o kahit dati pa di ko napipilit sarili ko gumawa kapag ganito nga.