★彡
1 years ago
finished Bebang Sis essay collection, It’s a Mens World and it was such a vividly funny and poignant collection of her experiences and recollections from girlhood to womanhood. Some of the experiences she wrote about is heavy at times but I think that’s what made it feel emotionally genuine and sincere.
★彡
1 years ago
some excerpts
★彡
1 years ago
“Baka ang tingin nila sa amin, dagdag na bibig na pakakainin. Dagdag na katawan na dadamitan. Dagdag na batang paaaralin. Dagdag na responsibility. Mabigat nga naman ang tunog ng salita na ’yan. Pakinggan. Dag. Dag. Hindi tulad ng bawas. Parang tunog lang ng umiihi: bawasssssssssssssss. Magaan. Magaan sa pakiramdam.”
★彡
1 years ago
“Manghihinayang ka, tapos maiinis ka sa buhay tapos maiiyak ka tapos magagalit ka. Tapos mare-realize mo, wala ka palang magagawa. Hanggang ganyan lang ang papel mo: ang makaramdam ng mga ganitong emosyon sa ganitong pagkakataon.”
立即下載
★彡
1 years ago
“Alam mo, mahirap din talaga ang lahat. Akala natin, nagtatapos ang problema pagka-graduate natin sa college. Mas masalimuot pala ’yong paghahanap natin ng identity, pagsunod sa nasang makatulong sa ikakaganda ng mundo at siyempre, ang pagpapakain sa sarili at sa pamilya.”
★彡
1 years ago
“Masarap ang buhay kahit gaano ito kakomplikado o kahirap. Ang mga bagay tulad ng sakit na nararamdaman ’pag may nawawala sa buhay natin e, dapat pa nga yatang i-celebrate. Dahil ibig sabihin nito ay nagmahal tayo. At ’yon lang naman ’ata talaga ang nagbibigay ng halaga sa buhay.”