“PAGPUPUGAY SA BAGONG HENERASYON NA MGA DOKTOR NG BAYAN!🇵🇭”
BARANGAY 670, PUROK 70; KAHAPON: Nagsilbing Panauhing Tagapagsalita si Dating Pangalawang Pangulong Leni Robredo sa Paglaom: The University of the Philippines-Manila College of Medicine Class of 2023 sa Distrito ng Ermita.
Kasama sa mga nagsipagtapos ang nagkamit ng kani-kanilang Doktor sa Medisina, Master’s, at MD-Doktor ng Pilosopiyang mga kurso mula sa kolehiyo, pati na rin ang mga naka-kumpleto ng kanilang internship sa Pangkalahatang Pagamutan ng Pilipinas.
Kasama sa mga larawan ni Leni na sina Medicine Dean Dr. Charlotte Chiong; UP-Manila Chancellor Dr. Carmencita Padilla; UP President Atty. Angelo Jimenez; Dr. Aldrin Nico Plantado, Dr. Simoune Rafaella Licuanan, Dr. Rafael Jose Jocson at UP-Manila PGH Director Dr. Gerardo Legaspi.
Bumabati siya sa class valedictorian na si Doktora Erika Ong kasama ang kanyang mga magulang. Bilang mga doktor ng bansa na nagsanay sa gitna ng pandemyang COVID-19, kinilala ng Tagapangulo ng Angat Buhay ang husay, tapang, at puso ng nasabing pagsisipagtapos ngayong taon.
Kasunod nito sa kaganapan ay ang mga hamon at panawagan sa kanila na maging kasangkapan at inspirasyon sa pagpapabuti ng sistemang pang-kalusugan ng ating bansa, at isabuhay ang dangal at husay bilang pag-asa ng bawat Pilipinong nagtataguyod sa pagpapatakbo ng ating Republika.