Lareng shares
2 years ago
Nov, 8. https://images.plurk.com/HCVc5BrdxrZxqw0iWdNLk.jpg https://images.plurk.com/5nmG2iZvGJsV0kUSYC9Ybt.jpg https://images.plurk.com/kYNDA2L9qL8Ky8B0yaIck.jpg Nasa lowest point ako ng buhay ko kaya nag chat ako sa kanya kung free ba siya habang umiiyak ako. Ang swerte ko kasi agad siyang nag reply at tinawagan pa ako para i-comfort. Siya lang 'yong nakakaalam kung ano 'yong pinagdadaanan ko sa buhay.
latest #7
Lareng
2 years ago
Hindi ko makakalimutan 'yang gabing 'yan na nag breakdown ako at hindi alam kung ano ang gagawin sa sarili ko.
Lareng
2 years ago
Wala akong ibang malapitan kaya siya 'yong ni-chat ko, wala akong kasama sa apartment na tinutuloyan ko. Sukong-suko na ako nung gabing 'yon pero nandiyan siya para makinig sa iyak ko. Nag tiyaga siyang makinig kahit puro hikbi lang ang naririnig niya.
Lareng
2 years ago
That night. I tried to end my life🙂
立即下載
Lareng
2 years ago
Sobrang bigat ng problemang dala ko, dumating ako sa point na gusto nalang sumuko pero nandiyan siya para pigilan ako.
Lareng
2 years ago
Kung hindi niya ako tinawagan baka pinagkapehan na ako. Walang ibang pumapasok sa isip ko kundi sumuko nalang para mawala 'yong sakit, ilang beses ako nagpabalik-balik sa CR habang nasa linya siya para maghilamos at kalmahin yung sarili ko. Panic attack hits really different.
Lareng
2 years ago
Hirap akong huminga tapos naninikip pa 'yong dibdib ko. Namanhid din 'yong mga paa ko. Naririnig ko din sa isip ko yung mga masasamang sinabi ng pamilya ko.
Lareng
2 years ago
Sobrang thankful ako sa kanya kasi kahit malayo siya nagawa niya akong pakalmahin kahit na hindi siya magsalita basta ramdam ko na may kasama ako. Siya 'yong taong hinding-hindi ko bibitawan kasi lagi siyang nandiyan para makinig at mag comfort sa'kin kapag inaatake ako.
back to top