Renewed 2 of my PRC license nung isang araw--shuta sobrang hassle, lamon oras dahil sa traffic, ang layo pa sakin ng available na may sched agad (ayala south sa muntinlupa) eh taga Cainta ako. Walang sched sa Morayta, Rob Galleria, Rob Manila heck even Rob Novaliches (dito na dapat ako magpasched last week but something came up buti di pa ako nagpasched pa)
Tapos nung magpapasched na ako nung Tuesday morning sa Rob Nova sana aba wala nang available slot homaygahd ang layo sakin ng 2 na mall sa NCR na may available sched agad yung sa Las Piñas and Alabang...nag Alabang na lang ako kasi supposedly may other transaction sana din ako sa araw na nagpasched ako pero di natuloy kaya yung renewal na lang yung sadya ko
Pero grabe talaga yung byahe, pwede naman sana ako magdrive pero in this economy? Hahaha charot kaso halos 3 hrs papunta, maygahd 3 hrs din pabalik sa megamall pa baba ko kasi may binili din ako don, plus 1.5 pa Cainta. Sure, I would’ve opted for delivery na lang sa bahay at mag-undertaking sana kaso nag-ipon na din ako ng CPD at nasayangan din ako don
Tapos yung transaction ko sa mismong PRC eh wala pang 5 minutes tapos na which is a good thing pero maaaaan, the effort para lang makapunta don eh di na ako uulit and Feb pa naman sana next year renewal ko pero baka kasi sobrang busy na ako by then at wala na kong time na ako magtransact mismo. Natawa pa sakin yung taga PRC kasi sobra pa units ko
立即下載
Kasi nabalik niya din sakin yung isang cert na nakacompile tapos natawa nga siya and said na yung iba hirap na hirap maggather daw ng units pero sakin sobra pa...eh kung tutuusin madali lang maghanap, daming webinar na may CPD units na eh, siguro madali sa field ko, can’t really comment sa ibang profession
Lols dami kong sinabi, diary yaern? Hahahaha