Siya’y isang punong dinidilig ng ilog ng Karilagan, may Bungang asam ng pusong gutom; Siya’y isang ruisinyor, inaaliw sa magaganda n’yang awit Diwang tigib ng hapis;
Siya’y isang maningning na ilawan, di-madaig ng karimlan At di-mapatay ng hangin. Sinidlan ng Langis ni Ishtar ng Pagsinta, at sinindihan ni Apolo ng Musika.