Pinansin ako ng crush ko. Biglaan. Balak ko talaga wag tignan kasi nga ayoko na magkacrush. Nung papalapit na ako sa upuan ko, nakita ko tinititigan ako. Di ko alam kung bakit. Edi nginitian ko na lang.
Tapos di pa din tinatanggal yung ngiti. Pag punta ko sa upuan ko (nasa harap ko sya) tinanong ko sya kung bakit. Nagpaayos daw ba ako ng buhok? Sabi ko, matagal na (insert nawweirduhan-ako-sa-tanong-mo boses)