may bagyo. 19kopong-kopong pa yan. sino ba ang dapat responsable sa paga aral nyan. kaya di yumayaman ang pilipinas, lumalaki ang calamity
funds imbes na ilaan na lang sa ibang proyekto. kung masolusyunan ang bulok na problema na yan, ang dami ng mayaman sa central luzon.
poknat! napocor ang dapat namamahala sa dam. sino ba si old man sa senate inquiry? hayz...sisihin daw ba si pedring. ok fine, wala kayong
kasalanan. pero mag resign na lang kayo, sayang ang taxes ko. linawin ko na lang: oo, maraming ulan si pedring at quiel pero di nyo ba na
realize na dumagdag pa kayo? alam nyo na may parating na malakas na bagyo, ano ang ginawa nyo? nag tong-its? ay sus! delikadesa po. resign!
ganyan din yung naging problema sa Ondoy di ba? they released water from the dam right that very moment, kung kelan aapaw na ang dam...
malamang "dam if you do, dam if you don't" ang motto ng mga yun
ang additional tanong ko.... wala bang accountability ang mga taong yan? laki ng pinsala at sinira ng tubig na pinawalan nila... ganun na
lang ba? sori na lang? papano naman a ngbahay kong nasira... eg ang ref kong nasira... so twing bagyo at pakakawala ng tubig, bibili ako
ng bagong ref ko ganon? i mean, someone has to pay for damages no! di pwedng SORRY na lang!
alam nyo imbes na makatulong ang gobyerno sa atin, dagdag perwisyo pa sila, di ba? mga tao pilit binabangon ang sarili sa kahirapan, lalu
lang nasasadlak. di na nga makapag bigay ng tulong sa asenso, nilulunod pa sila. negligence at its best. bayaran sila dapat. ewan naman din
kung ung mga nakalaan na pondo napupunta ba talaga sa mga nasalanta. kung oo man, hanggang saan o magkano ang ibinabahagi.
sa kalagitnaan ng salanta, hayun, walang makausap sa malacanang ang press corp. lacierda, paikot-ikot ang sagot about photo ops. si pnoy? T
kaya ko kung ano yung T na yun eh. for Tulog pala. akala ko for T@ng@. hahahahaha!
wala ngang binatbat ang gov't. buti nalang may malasakit ang ibang private org. tulad ng EatB, na humingi ng donasyon sa mga televiewers all
over the mundo. at ang Kapuso Foundation, they contacted my hubby for the usual Agua Vida Water Station. ayun at nasa Calumpit Bulacan na
ang water station, kahapon pa. malakas si Mel kay hubby eh. textmates nga ang dalawang yun.
imbes na makatulong ang gov't, nag sisishan, nag tuturuan, year in and year out, ganyan sila umasta. pweh!