katoto, kay tagal kong nilasap ang pagkakataong ikay sumali sa aming usapan dito sa binansagang 'PLURK"
hi idol! ang lalim ng tagalog.
nosebleed aco don arianne
mga katoto, ganyan ang aming panimulang pagbati ni katotong myra sa 2009, ang mahalin ang ating wikang kinagisnan.
cnabi mo pa katoto, ako ay nagulumihanan sa mga pasikot sikot dito
oo, katoto, tila lahat ng unang beses na nangahas sumubok ay di mawari kung anong susunod na hakbang sa 'PLURK"
OMG! hindi ko kaya conversation nio..ELIBS aco sobra
pero buti na lng mabubuti ang kalooban ng aking mga ka-PLURK at ako ay naliwanagan
paalam! lipat ako sa kabilang kwarto..
oo, ang lahat ng mga tao dito ay may busilak na kaloobang taglay. tayo ay mapalad.
oo, walang nais makisama sa kwartong ito katoto. ayaw nilang gumamit ng wikang sarili.
ako ay sasayaw na lamang.
Maaari ba kitang isayaw binibining arianne?
akoy nabigla sa iyong paghingi ng paalam upang sumayaw, ginoo.
julie, sa kwartong ito ay puro wikang sarili lamang ang gamit.
katoto, kusa ng bumabagsak ang talukap ng aking mata
hahaha. binabati ka namin katoto sa iyong pagsali.
mabuti yan katotong julie
ano ba ang naghihintay na kaparusahan sa hindi paggamit ng sariling wika sa kwartong ito? (trying hard shet)
siya nga ako'y natututo na..
katotong myra, naway iyong masagot ang katanungang ibinato ng ating dalawang katoto.
may kasabihan nga tayo..wag maging dayuhan sa sariling bayan..
sino ba ang nagpasimuno sa paggamit ng wikang sa atin ay ipinagkaloob ng diyos dito sa silid na ito? (wow lalim haha)
aba!!! akoy natuwa sa kasbihang namutawi sa bibig mo, katotong julie!
sadyang galing ito sa kaibuturan ng aking puso..
si bathala ang ngpasimuno nito pareng arlan
gustuhin ko mang makipagtagisan sa wikang tagalog sa inyo mga katoto, subalit ang ilong ko ay dumudugo
naintindihan ko katotong shobe. dumudugo din ang ilong ko sa kasalukuyan. ngunit alang alang sa wika, lahat matitiis.
ako man din..mapa sariling atin o wikang banyaga..
hahaha. katotong myra, marapat lamang na akoy tanggapin mo bilang kaibigan dito sa "PLURK"
lolei, mahigpit na ipinagbabawal dito ang salitang banyaga
mga katoto, tayo ang mag-isip na kaparusahan sa salarin.
naway basahin mo ang buong paguusap naming lhat sa kwartong ito, katotong lolei.
at aming pagninilayang ang karampatng parus sa isang katulad mo..hahaha
parang kontrabida sa teleserye...
tanong mga katoto.. ang pagtawa ba ng "hahaha" ay tagalog? hindi ba mas sariling atin ang "hehehe"?
sa palagay ko paraheas lang na tagalog dahil na sa abakada pa din
napakahusay na sagot. sa palagay ko din, pareho lang katoto. ang hehehe ay natatawang bahagya. ang hahaha ay tawang tawa na, di mapigil.
wahahaha! nakakatamad basahin..
ha he hi ho hu
ang lalim ng mga binitawang salita ni arianne..
kasing lalim ng pagmamahal ko sa knya.
grabeng banat yan ah.. panalo!
arlan arlan. napakalakas ng loob mo katotong arlan.
hindi ko mawari kung saang baul nahukay ni ginoong arlan ang kanyang mga hirit..naway galing ata sa puso!
sa kaibuturan ng kanyang puso..
hahaha. ginoong arlan, palakas ka ng palakas.
aba! katotong julie, nagsabi ka ng banyagang salita!
sadyang nag umapaw ang aking kaligayahan sa pagdating ni domeng....
hindi ka pa naparurusahan lolei!!haha!
kailangang malalim n tagalog ba ito?
kahit ano basta wikang tagalog lamang