Kahit nag-uulyanin,iniintindi ko talaga sila. Sanay naman ako sa senior citizens. Laking lolo't lola kami. Kanina lg tlaga ako nainis nang biglang may sumiksik na matanda sa bus at nagpupumilit na patayuin ako dahil senior citizen dw siya. Sa bus kc,yong front seats ay para sa kanila o sa PWD talaga but yong inuupuan ko,para nman sa regular passenger...
Yong pagkasiksik nya ay nakapatong na siya sa paa ko at nagspray pa ng alcohol na bigla ko nlg ikinahilo kya tumayo nlg ako. Sabi ko, may vacant po sa front seat. Ayaw daw tumabi sa lalaki. Sa isip ko, sa edad nyang yan, wala naman sigurong masamang gawin ang lalaki sa kanya. LOL Yon pala, madre. So ok, tumayo ako at iniwan ko sis ko na syang katabi nya...
Sa halip na magalit ako sa kanya, yong konduktor ang pinagbalingan ko. Sabi ko, kapag puno na ang bus lalo't senior citizen, wag nang papasukin pa kc tulad ko, ang layo pa ng pinanggalingan at wala pang tulog sa kkabyahe, napilitan pang tumayo. Aba'y narinig ni sister at sinumbatan pa ako na parang kasalanan ko pa 🤣inawat sya ng konduktor. Meanwhile...
Naawa sakin ang pasahero na parang mahihilo sa kakatayo so pagkababa nung isa,binigay nila ang upuan sakin.
Pagkababa ng bus, kinuwento ng sis ko na sumama rin rw ng pkiramdam nya kanina dahil tumayo rw tlaga yong madre para ilipat lahat ng buga ng aircon sa mukha nya lg habang ang pobreng sis ko ay namamawis sa init. Hahaha!