I had a dream. Terminal patients daw kami, me included. Pinasok kami sa isang program para bigyan ulit chance mag-work. Naka-infusion kami ng gamot while working para makapag-work ng maayos. Ang buong akala ko miracle drug yung binibigay sa'min kaya nakakagalaw kami maayos at walang nararamdaman pain, parang normal ulit.
Nakakakain pa nga kami ng kahit ano. Akala ko nun gumagaling na kami. Yun pala for pain management lang yung gamot. Kaya pala yung isa namin kasama di na nakabalik kasi wala na s'ya, akala namin nag-leave lang, sa bahay na nila s'ya inabutan. May sched pala kung kelan ititigil yung infusion at send home. Sched ko na nung araw na yun, marami ako kasabay.
Alam pala ng lahat ng katrabaho namin yun. Isa-isa sila lumapit sa amin at yumakap at nag-thank you para magpaalam. Tapos lumapit yung isang naging friend ko na at niyakap ako. Tapos ayun nagising na me.